Malungkot ako na Masaya na di ko alam...
Kagising ko, ewan ko ba sa dinamidami ng pwede kong maalala, naalala ko na ados pala ngayon. Biglang pumasok ang mga linyang "are you gonna stay with the one who loves you, or are you coming back to the one you know.. someone's gonna cry if they know they'd lost you, someone's gonna thank the stars above..". at sa kasawiang palad, ako ang iniwan, ako ang umiyak. awang-awa ako dati sa sarili ko.. Ang daming "bakit ganito." "bakit ganun." sabay sisi sa sarili tapos sisi din sa kanya... Pero habang lumipas ang panahon, unti unti kong naintindihan kung anu nga nangyari. Hindi lang pala ako ang may kasalan, di lang din siya, pareho kami.. Hindi ko ikakaila ang natitirang kung anu man ito na nararamdaman ko sa loob, pero sa totoo lang, masaya ako para sa kanya na masasabi ko ng walang bahid na kamunghian o kahit anu paman kahit na ang huling pagkakataon na nagkita kami ay sadyang pinamukha niya sa akin kung anung nawala sa buhay ko.. Masaya ako at walang ibang hinihiling na sana saan man siya ngayon, faithful na siya sa kung sino man ang pinili niyang makasama.. dalawang taon na sila ngayong ados na toh.. nakalahati na nila ang nalakbay naming mag kasama, ibig lang sabihin na talagang nahigitan na niya ako sa buhay niya.
Wala na akong ibang mahihiling pa kundi
sana maging totoo sila sa isa't-isa at wag magkakasakitan..
Matutunang pag pahalagahan ang isa't-isa at wag mag kwekwenta ng mga kamalian at pag kukulang.
Pati na din ang pagiging ma-pride na dapat iwasan.
Mga maliliit na bagay na dapat ipinagpapasalamat, mga pagkakataon na kayang ipadama kung gaano mo kamahal ang isang taong alam mong mag papasaya sayo na di dapat palampasin
ni sa isang araw,
oras,
minuto
o sigundo man..
Mga pagkukulang ko na alam kong na punan na nang iba..
Para sa iyo:
Masaya na ako para sa'yo.. Saan ka man mapunta, kahit bday ko di mo na alam, kahit pati ung pag kikita nating ng Setyember a disisais, alas-dose ng tanghali sa parke na bumuo ng pangarap ko na hindi ko alam kung ma kakamptan ko pa, sana kahit papano, may natira parin kahit konting "ako" sa "iyo". Patawad sa mga pagkukulang ko.. Tao lang din ako, hindi gaya niyang perpekto..
Maligayang bati sa inyo..
Tuesday, December 02, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment